MANILA, Philippines- Patuloy na magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang shear line, easterlies, at ang Northeast Monsoon o amihan, ayon sa PAGASA.
Sa 4 a.m. bulletin ng state weather bureau, iniulat na magiging maulap sa Bicol Region, Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon at magkakaroon ng isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Maaapektuhan naman ang Eastern Visayas, Caraga, Davao Region, Sulu, at Tawi-Tawi ng easterlies na magdadala ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan.
Iiral ang Amihan sa Cordillera Administrative Region at sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley, na magkakaroon ng maulap na kalangitan at pag-ulan.
Makararanas naman ang Metro Manila, Ilocos Region, at natitirang bahagi ng Central Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa amihan.
Inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dulot ng easterlies.
Anang PAGASA, walang na–monitor na low pressure areas para sa tropical cyclone formation hanggang alas-2 ng madaling araw nitong Huwebes.
Sumikat ang araw ng alas-6:25 ng umaga at lulubog ng alas-5:47 ng hapon. RNT/SA