MANILA, Philippines- Nasa 29 na Chinese at Myanmar national ang naaresto makaraang salakayin ng pinagsamang pwersa ng operatiba ng PNP CIDG Cavite PFU (lead unit), Cavite PPO, PIU, SWAT, CPMFC, Silang Municipal Police Station (MPS), Bureau of Immigration (BI), Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) at ang Local Government Unit (LGU) ng Silang ang isang small-scale POGO hub sa isang events place resort sa Brgy. Lalaan 2, Silang, Cavite.
Natunton ng mga awtoridad ang naturang umano’y operasyon ng POGO dahil sa reklamo mula sa may-ari sa umuupa rito na ginagamit umano na puga ng POGO operations ang kanyang resort.
Nadiskubre umano ng may-ari ng resort ang tinatayang 50- hanggang 60 na mga dayuhan, mga Chinese at Korean national, na labas-pasok sa lugar na may dalang gambling paraphernalia, computer sets at mga laptop.
Bukod sa nasabing reklamo, nagsagawa ng validation at nang nagpositibo ay nagsagawa ng operasyon ang PNP CIDG Cavite PFU (lead unit), Cavite PPO sa pamumuno ni PCol Dwigth, Acting Provincial Director, Cavite PIU, SWAT, CPMFC, Silang MPS, Bureau of Immigration (BI), Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) at ang Local Government Unit (LGU) ng Silang base sa isang mission order at sinalakay ang nasabing resort sa Brgy Lalaan 2, Silang, Cavite bandang alas-3:30 nitong Miyerkules.
Nasa 23 Chinese national at anim na Myanmar national ang umano’y mga empleyado ng nasabing POGO hub sa lugar.
Nasa pangangalaga ng PAOCC ang mga nadakip na dayuhan habang inihahanda ang deportation proceeding ng Bureau of Immigration. Margie Bautista