Home METRO Electrician bugbog-sarado sa panghahalay sa 4-anyos!

Electrician bugbog-sarado sa panghahalay sa 4-anyos!

181
0

MANILA, Philippines- Kulong ang isang 43-anyos na electrician matapos umanong pagsamantalahan ang isang paslit sa Baseco, Maynila.

Ayon sa pag-iimbestiga ng Baseco Police Station, unang naghinala ang magulang ng apat na taong gulang na paslit noong Enero 3.

Ang biktima ay anak umano ng pamangkin ng susupek.

Nang dalhin ng magulang sa ospital ang biktima, nakumpirma na nagahasa ito kaya agad silang nagsumbong sa pulisya.

Nagsumbong din ang paslit sa kanyang magulang tungkol sa ginagawa sa kanya ng suspek.

Dahil dito, naalarma ang mga magulang ng biktima kaya kinompronta ang suspek na nangakong hindi na uulitin.

Sa galit, pinagtulungang bugbugin ng kaibigan at kinakasama ng ina ng biktima ang suspek sa kanyang bahay.

Iniinda naman ng suspek ang kanyang mata, ulo at tagiliran sa tindi ng sinapit nitong pambubugbog sa kanya kaya kinailangan nitong manatili ng ilang araw sa ospital bago siya dinala sa kustodiya ng Baseco Police Station. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here