MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na naglalayong ipirmi sa tatlong taon ang termino ng Philippine Coast Guard (PCG) commandant.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12122, ang commandant ay dapat na mayroong maximum term na tatlong taon, magsisimula sa petsa kung saan nilagdaan ang appointment, maliban kung mas maagang tinapos ng Pangulo.
Ang PCG commandant ay sapilitan namang magreretiro kapag nakompleto na ang maximum term o kapag pinagpahinga na ng Pangulo.
Nakasaad sa batas na ang PCG commandant ay dapat na mayroong command-at-sea badge at dapat magsilbi bilang district commander ng PCG.
Ang probisyon ng nasabing batas ay dapat din na i-apply sa PCG commandant na appointed at/ o promoted sa ilalim ng Republic Act No. 9993 at iba pang mga kaugnay na batas.
Samantala, ang batas ay nilagdaan nito lamang Pebrero 18, 2025, araw ng Martes. Kris Jose