Home NATIONWIDE 121 POGO workers ipinatapon ng BI sa 2025

121 POGO workers ipinatapon ng BI sa 2025

Sa 518 manggagawang POGO na naaresto ngayong taon, 121 na ang naipa-deport, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na may darating pang batch ng deportasyon sa mga susunod na linggo habang inaayos ang mga dokumento sa pagbiyahe at clearances.

Ayon naman sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nasa 337 dayuhan ang nananatili sa kanilang pasilidad habang hinihintay ang deportasyon o repatriation.

Sinabi ni PAOCC spokesman Winston Casio na natatagalan ang proseso dahil sa kakulangan ng legal na dokumento tulad ng pasaporte at NBI clearance.

Noong Nobyembre 5, 2024, naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 74 na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at iba pang offshore gaming activities, kabilang ang pagkuha at pag-renew ng lisensya, pati na rin ang ilegal na operasyon. RNT