Home HOME BANNER STORY 3 Youtuber na nag-interview kay Bantag, kakasuhan ng DOJ

3 Youtuber na nag-interview kay Bantag, kakasuhan ng DOJ

MANILA, Philippines – Nais ng Department of Justice na maparusahan ng mababang korte ang tatlong vloggers na gumawa ng interview para sa kanilang mga YouTube channel ang puganteng si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Si Bantag ay wanted sa kasong pagpatay sa broadkaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong contempt of court.

Iginiit ng kalihim na bawal ang ginawa ng mga vlogger dahil isang wanted na tao si Bantag at may court order na inilabas para maaresto ito.

Hindi aniya dapat palampasin ang ginawa ng tatlong hindi pinangalanan na vlogger dahil pambabastos it sa korte at mistulang minamaliit ang prosesong legal.

Sa kasalukuyan ay sinusuri pa ng mga otoridad ang nakuhang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Bantag.

Si Bantag at dating BuCor deputy security officer Ricardo Zulueta ay kinasuhan ng murder sa Muntinlupa at Las Piñas regional trial courts dahil sa pagpatay kay Mabasa at sa inmate ng New Bilibid Prison na si Cristito Villamor Palaña alyas Jun Villamor.

Si Villamor ang nagsilbi umanong middle man ni Bantag upang mapatay si Mabasa ng self-confessed gunman na si Joel Escorial. Teresa Tavares