MANILA, Philippines – Aabisuhan ng Philippine Health Insurance Corporation ang mga indibidwal na apektado ng kamakailang data breach sa sistema nito.
Matatandaang inatake ng Medusa Ransomware ang PhilHealth, na nagkompromiso ang data na nakaimbak sa ilan sa mga server nito.
“The primary database was intact and not infected,” ayon naman sa state insurer, at idinagdag na ang insidente ay agad na iniulat sa mga kinauukulang ahensya tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), at National Privacy Commission (NPC), at mga ahensyang nagpapatupad ng batas.
Sinabi ng PhilHealth na hindi pa nito matukoy ang bilang ng mga subject o record na apektado ng paglabag, ngunit sinabi nito na ang mga pangalan, address, petsa ng kapanganakan, kasarian, numero ng telepono at PhilHealth identification number ay maaaring nakompromiso.
“We are working to notify all affected individuals directly. Kung hindi ka nakatanggap ng notification mula sa amin, baka hindi ka naapektuhan,” anang PhilHealth.
Pinayuhan din ng ahensya ang mga kliyente nito na subaybayan ang kanilang mga ulat sa kredito para sa anumang hindi awtorisadong aktibidad.
Para sa mga katanungan o alalahanin, maaaring tawagan ang PhilHealth sa pamamagitan ng email sa [email protected] o [email protected]. RNT