
MANILA, Philippines- Umakyat ang bilang ng validated election-related incidents sa 30, ayon sa Philippine National Police nitong Biyernes.
Sinabi ng PNP nitong Huwebes na 22 sa validated ERIs ang “violent” at walo ang “non-violent.”
Karamihan sa validated violent ERIs ay naiulat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may walo, sinundan ng Cordillera Administrative Region na may anim at Zamboanga Peninsula na may tatlo.
Tig-iisang validated violent ERI naman ang naitala sa Ilocos Region, Central Luzon, Eastern Visayas, Davao Region, at Soccsksargen.
BIneberipika pa ng PNP ang walong suspected ERIs sa Cagayan Valley, Bicol, CAR, at Calabarzon.
Samantala, sinabi ng PNP na may kabuuang 2,626 indibidwal ang naaresto sa paglabag sa election gun ban.
Karamihan sa kanila ay mula sa Metro Manila na may 906, sinundan ng Central Luzon na may 334 at Central Visayas na may 276.
Kabilang sa mga nahuling election gun ban violators ang mga sumusunod:
18 PNP personnel
15 Armed Forces of the Philippines personnel
anim na personnel mula sa iba pang law enforcement agencies
siyam na elected government officials
dalawang appointed government officials
limang CAFGU Active Auxiliary
12 foreign nationals
tatlong children in conflict with the law
dalawang communist rebels
46 security guards
2,508 sibilyan