Home NATIONWIDE Kababaang-loob ni Pope Francis inalala nina PPBM, First Lady

Kababaang-loob ni Pope Francis inalala nina PPBM, First Lady

MANILA, Philippines- Dumating sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Rome nitong Biyernes upang dumalo sa libing ni Pope Francis na nakatakda ngayong Abril 26, 2025.

Sa ulat, bumisita ang First Couple sa open public space Piazza Navona ilang oras bago ang libing at inalala ang kanilang kasal.

Ikinasal ang First Couple noong April 17, 1993 sa San Francesco Convent sa Fiesole, Italy.

Sinabi nilang nagpakita si Pope Francis ng kabaitan at awa sa mga Pilipino sa kanyang pagbisita noong 2015 sa Manila at Tacloban, labis na nasalanta ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

“When I met him, he [was] humble and kind, and you feel like you’re blessed by God,” anang First Lady.

Samantala, nakiisa ang mga Pilipino sa libo-libong mga tao na nagtungo sa Vatican nitong Biyernes para sa huling sulyap sa mga labi ni Pope Francis, kung saan nagsidatingan na rin ang world leaders at iba pang bisita para sa libing ng papa.

Mahigit 50 heads of state at 10 monarchs ang inaasahang dadalo sa libing ngayong Sabado kasama ang 200,000 pakikidalamhati. RNT/SA