Home ENTERTAINMENT Special girl ni Bimby, aprub kay Kris!

Special girl ni Bimby, aprub kay Kris!

Manila, Philippines – Sa bahay ng BFF ni Kris Aquino at tanyag na designer na si Michael Leyva nagdiwang ng 18th birthday kamakailan si Bimby.

Maliban kay Miles Ocampo who Kris treats as her anak-anakan–kasama ang nobyo nitong si Elijah Canlas–ay wala nang mga bisita mula sa showbiz.

That day also marked Bimby’s revelation of his secret.

May kinalaman ito sa kanyang special someone na personal na palang nakilala ni Kris.

Bantulot pa si Bimby noon na i-share ang kanyang sikreto para raw hindi maudlot.

So far, pasado naman ang ‘di pa pinapangalanang special friend ni Bimby.

But one thing’s for sure, Bimby’s girl has earned Kris’ stamp of approval.

“She’s pretty,” sey ni Bimby quoting her mom’s comment.

Sa katunayan nga raw, pag nag-propose na si Bimby sa girl na ‘yon ay willing si Kris na ibigay sa anak ang engagement ring ng lola nito — referring to Kris’ mom Tita Cory.

Ani Bimby, mahahalata raw ang kanyang ina kung boto ito sa babae she’d wish to be her son’s fianceè.

With Bimby’s past girls who his mom has so far met in person ay hindi raw masalita si Kris.

Samantala, ipinaliwanag ni Bimby why his entering the showbiz foray seems to be taking a bit too long.

Ani Bimby, nakatuon daw kasi ang kanyang pansin sa pag-aalaga sa kanyang maysakit na ina.

“Taking care of her is all worth it,” sambit ni Bimby na ikinahahanga sa kanya ng marami. Ronnie Carrasco III