Home METRO 30 pamilya apektado sa sunog sa Kyusi

30 pamilya apektado sa sunog sa Kyusi

MANILA, Philippines – Apektado sa nangyaring sunog sa apartment building sa Narra Street, Barangay Old Balara, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 29 ang nasa 30 pamilya.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa unang alarma ang sunog alas-7 ng gabi bago tuluyang naapula makalipas ang 30 minuto.

Wala namang nasugatan o nasawi sa insidente.

Samantala, inilikas ang mga apektadong residente patungo sa evacuation center sa lugar. RNT/JGC