Home NATIONWIDE 30-year-old pork importation rules planong baguhin ng DA

30-year-old pork importation rules planong baguhin ng DA

MANILA, Philippines – PLANO ng Department of Agriculture (DA) na baguhin ang three-decade-old rules na gumagabay sa importasyon ng baboy sa mas mababang taripa.

Ang katuwiran ng DA, dahil sa di umano’y pagsasamantala ng mga importer.

Sa isang kalatas, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ipinag-utos na nito ang ‘total overhaul’ ng minimum access volume (MAV) mechanism para sa baboy, na binalangkas 30 taon na ang nakalilipas.

Ang MAV ay tumutukoy sa dami ng itinatakdang imported na produktong agrikultural na pinapahintulutan ng gobyerno ng Pilipinas na pumasok sa bansa sa isang mas mababang tariff rate.

“We are reformulating the rules for MAV. The DA’s Policy and Planning Office is already on the job and they have to have an output by October this year,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

“Our MAV rules were written in 1996 and when I read it, I found a lot of room for improvement. So, we have to revise the MAV,”aniya pa rin.

Ang imported na pork sa ilalim ng MAV quota ay mayroong mas mababang taripa na 15% kumpara sa regular rate na 25%.

Ang alokasyon ng MAV para sa imported pork ay may kabuuang 55,000 metric tons —30,000 MT nito ay isinantabi para sa meat processors para tiyakin ang lower-priced processed meat.

Sa pagrepaso ng MAV scheme, sinabi ni Tiu Laurel na natuklasan niya na mula sa 130 quota holders, 47 account ang para sa 80% ng kabuuang alokasyon habang 22 mula sa 47 ay nakasukol ng 70% ng nasabing dami.

“In reality, 22 MAV quota holders account for 55% of the total volume,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

“Worse… many of those MAV quota are often reused, inflating total import volume,” aniya pa rin sabay sabing “the sad part about this is that consumers don’t benefit the reduced tarif.”

Aniya pa, ang paunang plano ng DA ay itaas ang alokasyon sa meat processors sa 40,000 MT at ang balanse ay isantabi para Food Terminals Inc. para pahintulutan ang resources na makialam sa merkado para patatagin ang presyo ng baboy.

Para gawing ‘maamo’ ang presyo ng baboy sa retail level, nagpatupad ang DA ng maximum suggested retail price on pork (MSRP) —P380 kada kilo ng liempo at P350 kada kilo ng pigue at kasim.

Samantala, ang MSRP para sa mga fresh carcass o “sabit ulo” ay nakapirmi sa P300 kada kilo. Kris Jose