MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comele) nitong Miyerkules, Abril 2 na magpapatuloy ang internet voting para sa overseas Filipino sa Thailand sa kabila ng matinding paglindol sa nasabing bansa noong Marso 28.
Ang magnitude 7.7 na lindol na tumama sa Myanmar ay nagresulta ng pagkasawi ng hindi bababa sa 2,065 indibidwal.
Mahigit 3,900 ang nasugatan at hindi bababa sa 270 ang nawawala.
Ang malalakas na pagyanig ay nagdulot ng pinsala sa iba pang mga kalapit na bansa kabilang ang Thailand.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na magtutuloy ang postal voting para sa 320 overseas Filipino voters sa Myanmar.
“Hindi interent voting ang gaagwin natin kundi postal voting,” sinabi ni Garcia.
Nakausap na rin aniya ang embahada ng Pilipinas sa Myanmar at sinabing walang problema sa imprastraktura. Nasa maayos din aniya silang kalagayan at kumpleto ang 300 na mga Filipino sa Myanmar.
Sa Biyernes, Abril 4 ay masgsisimula nang maghatid ng election paraphernalias ang Comelec para sa nalalapit na midterm elections.
Ang overseas voting period ay mula Abril 13 hanggang Mayo 12.
Sa 90 Philippine diplomatic posts, 77 ang lalahok sa kauna-unahang online voting at counting system (OVS) at 16 ay gagamit ng automated counting machines (ACMs).
Ang pre-voting enrollment system para sa OVCS ay bukas mula Marso 20 hanggang Mayo 7, 2025.
May kabuuang 17,323 na botante ang na-enrol sa sistema noong Abril 1, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden