Home OPINION 300 PATAY SA BOMBA NG ISRAEL SA LEBANON

300 PATAY SA BOMBA NG ISRAEL SA LEBANON

183
0

MATINDI ang nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at Lebanon ngayon.

Noong Sabado, nasa 31 ang namatay sa pagbomba ng Israel sa Beirut at kamakalawa, 274 naman ang nasawi sa malawakang pagbomba pa rin ng Israel sa Beirut, at east at south Lebanon.

Dahil dito, ang Pilipinas, United States at China ang nagpapalikas na ng kani-kanilang mga mamamyan.

Maaaring umuwi na lang ang Pinoy, Amerikano o Tsino o lilikas sa mga lugar sa Lebanon o Israel na ligtas sa mga bomba, drone, missile at rocket.

Ang Pilipinas, may 32,000-34,000 na mamamayan  sa Lebanon at marami umano rito ang TNT o tago nang tago o iligal ang pagpasok.

Ang China naman, may 10,000 mamamayan sa Israel na pinagbabakwit.

Ang US, may 80,000 mamamayan sa Lebanon na pinagbabakwit din.

Ang United Kingdom, sinasabihan naman ang 16,000 mamamayan nito sa Lebanon na magbakwit na habang lumilipad pa papasok at palabas ng Lebanon ang mga eroplanong komersyal.

May nakahanda umano itong dalawang barko para sa pagbabakwit habang nakatambay lang ang kanilang mga pwersa militar para rito.

PAGBABAKWIT NA UTOS NG ISRAEL

Iba naman ang pagbabakwit na utos ng Israel sa lahat ng sibilyan na nakatira sa mga lugar na pinamumugaran ng mga Hezbollah sa Lebanon.

Kasama ngayon sa mga nagbabakwit ang mga Syrian refugee na obrero sa mga sakahan sa South Lebanon at ilang bahagi ng Beirut na kapital ng bansa.

Lumilitaw na nais ng Israel na magsagawa ng malawakang pambobomba sa mga lugar na ito na pinaghaharian ng mga Hezbollah at nagsimula na nga ang pambobomba.

BAKBAKAN MATINDI

Tuloy-tuloy na ang pambobomba ng Israel sa Lebanon makaraang pasabugin nito ang libo-libong pager at walkie-talkie na gamit ng Hezbollah at Lebanese.

Namatay rito ang nasa 40 katao at nasugatan ang nasa 3,000, kasama ang mga nabulag, naputulan ng kamay at nasabugan sa mga balakang na karaniwang parte ng katawan na roon nakapwesto ang mga nasabing gadget.

Makaraang pasabugin ng Israel ang mga pager at walkie-talkie ng mga taga-Lebanon, sinundan na ito ng mga pambobomba ng Israel sa 300 lugar makaraang sabihan ang mga sibilyan sa south at east Lebanon at Beirut na magbakwit na palayo sa mga lugar na ito.

Dito na namatay ang nasa 300 katao.

Sa kabilang banda, maya’t mayang nagpapalipad naman ang Hezbollah ng mga rocket at drone sa Israel mula sa hangganan ng Lebanon at Israel.

Pareho nang nadadamay ang mga sibilyan ng magkabilang panig.

DAPAT MAGBAKWIT NA

Dahil sa giyera, hindi imposibleng mayroon nang namatay o nasugatan na Pinoy, lalo na sa Lebanon.

Alalahanin, daan-daan na ang namamatay sa nakalipas lang na apat araw at libo-libo na ang nasusugatan.

Kaya dapat nang magbakwit ang mga Pinoy at huwag nilang hintayin ang pwersahang pagbabakwit sa kanila ng pamahalaan.

Lalong huwag nilang hintayin na abutan sila ng mga bomba, rocket, missile at drone na pawang nakamamatay at nakabubulag, nakababalda at nakasisira ng mga hanapbuhay at ari-arian.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here