SA kasalukuyang umiiral na batas ay mandato ng mga lider ng barangay na pangalagaan ang katahimikan at kaayusan ng kanilang hurisdiksyon o area of responsibility.
Sa pagsasagawa at pagsasakatuparan ng kanilang trabaho ay katuwang ang mga alagad ng batas sa pagpapanatili ng peace and order sa mga barangay.
Mahalaga ang tandem ng mga lider ng barangay at mga pulis para mailayo ang mga residente sa lawless elements at matiyak ang kanilang kaligtasan.
Halimbawa ay sa lungsod ng Caloocan na kaya tagumpay ang giyera ng City police force kontra kriminalidad ay dahil sa effort at tulong ng mga barangay leader.
Ang Barangay 86 sa ilalim ni Chairman Renato Aclado ay masigasig sa paghabol sa mga mandurukot at snatchers sa nasasakupan nilang lugar ng EDSA Monumento.
Sa pangunguna ni ex-O Joselito Lovete at Danilo Gamboa, gising 24 oras ang mga tanod na umiikot sa mga kalye para masiguro ang katahimikan at kaayusan sa kanilang barangay.
Ang Monumento at EDSA ay komersyong lugar na paboritong tambayan ng snatchers, pickpockets, holdapers, shoplifters at iba pang petty crime offenders.
Ayon kay Chairman Aclado, marami na silang nahuling petty crime suspects na nai-turned over sa Caloocan City Police Station for proper investigation and disposition.
Sa tulong ng city police pa rin, ang mga menor de edad ay kanilang dinadala at ipinauubaya sa kustodiya at pamamahala ng Department of Social Services and Development.
Good job Kap. Renato Aclado at iyong mga tanod sa Brgy 86, Zone 2 District 11, Caloocan. Ipagpatuloy lang ang magandang ginagawa dahil anong malay natin – kasunod na ay gantimpala.






