MANILA, Philippines – Naglaan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mahigit ₱7.4 milyon bilang pabuya sa 31 civilian informants na tumulong sa serye ng matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga sa ilalim ng Operation: Private Eye (OPE).
Iginawad ang kabuuang ₱7,466,707.69 sa PDEA National Office sa Quezon City, kung saan anim na impormante ang personal na tumanggap ng gantimpala habang ang iba ay ginawaran sa kani-kanilang rehiyon. Nanatiling kumpidensyal ang kanilang pagkakakilanlan para sa seguridad.







