Home METRO Lalaking nangingikil sa mga trike driver sa Navotas, huli

Lalaking nangingikil sa mga trike driver sa Navotas, huli

137
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos umanong mangikil at manutok ng baril sa isang tricycle driver sa Navotas City.

Naganap ang insidente bandang alas-5:50 ng hapon sa Road 10 nang hingan ng pera ng suspek ang 28-anyos na biktima. Nang walang maibigay, naglabas umano ng sumpak ang suspek at nagbanta.

Tumakbo ang biktima at humingi ng tulong sa mga pulis na nagpapatrolya, na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng suspek.

Nakumpiska sa kanya ang isang improvised firearm na may isang bala ngunit walang kaukulang dokumento.

Kinasuhan siya ng grave threats at paglabag sa R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here