Home NATIONWIDE 31 patay sa banggaan ng trak at bus sa Bolivia

31 patay sa banggaan ng trak at bus sa Bolivia

BOLIVIA – Patay ang 31 katao matapos bumangga ang isang trak sa isang bus sa southern Bolivia.

Kinumpirma ni police spokesperson Limbert Choque ang death toll, kung saan kabilang dito ang mga pasaherong lalaki at babae.

Mayroon namang 22 katao ang nasugatan sa insidente.

Ayon sa pulisya, gumulong pa sa 500 metrong lalim ng bangin ang bus matapos ang banggaan.

Ang aksidente ay nangyari sa highway sa pagitan ng Oruro at highland mining city ng Potosi.

Inaresto naman ang drayber ng trak at nagpapatuloy ang imbestigasyon dito. RNT/JGC