MANILA, Philippines – Makaraan ang mahigit na dalawang taong pagtatago ay nadakip ng sa isinagawang ng Las Piñas City police operation ang tinaguriang Top 3 most wanted person (MWP) sa station level sa pakikipagtulungan ng Libagon Municipal Police Station, Southern Leyte during an operation bago managhali ng Lunes, Marso 3.
Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang nadakip na suspect na si alyas Mich, 47, laborer.
Base sa report na isinumite ni Tafalla kay Southern Police District (SPD) director PBGEN Manuel Abrugena, naganap ang pag-aresto kay alyas Mich bandang alas 11:20 ng umaga sa Libagon, Southern Leyte.
Ang pag-aresto sa suspect ay naisakatuparan sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Las Piñas City police na inisyu ng Las Branch 2 dahil sa mga kasong 2 counts ng rape, tatlong counts ng acts of lasciviousness, at lascivious conduct na may kaugnayan sa Section 5(B) ng R.A. 7610.
Naisyu ang warrant of arrest sa kasong rape noong Pebrero 11, 2022 na walang rekomendasyon ng piyansa.
Sa kasong tatlong counts ng acts of lasciviousness ay naisyu ang warrant noong Pebrero 23, 2022 kung saan may kaakibat na piyansa ito sa halagang P324,000 habang sa kasong lasciviousness conduct naman ay napagkalooban ang suspect na maaglagak ng piyansang P200,000.
Makaraang maaresto ang suspect ay agad itong dinala sa Las Piñas City police station kung saan pansamantalang nakapiit ito sa custodial facility ng estasyon habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa paglipat ng kanyang piitan sa Las Piñas City jail. James I. Catapusan