Home NATIONWIDE 31,715 PDL boboto sa May 2025 elections

31,715 PDL boboto sa May 2025 elections

Aabot sa 31,715 Person Deprived of Liberty (PDL) mula sa kabuuang 115,791 ang inaasahang boboto sa nalalapit na national at local elections ngayong Mayo, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay BJMP Spokesperson Supt. Jeyrex Joseph Bustinera, sa kabuuang 484 jail facilities sa buong bansa, 393 dito ang magsisilbing special polling precincts.

Ibig sabihin, ang mga PDL ay hindi na lalabas ng kulungan at sa loob na ng mga special polling precincts ng Commission on Elections (Comelec) sila makakaboto.

Samantala, ibinahagi rin ni Bustinera na pito (7) PDL ang kasalukuyang tumatakbo para sa iba’t ibang posisyon ngayong midterm elections:

1 para sa Senado

1 bilang Mayor

1 bilang Representative

2 bilang Vice Mayor

2 bilang Municipal Councilor

(Teresa Tavares)