Home ENTERTAINMENT 32 gamot, iniinom ni Kris araw-araw!

32 gamot, iniinom ni Kris araw-araw!

Manila, Philippines- Agad nakatawag ng pansin ni Ogie Diaz ang maganda pa ring skin ni Kris Aquino.

Nagtagpong muli ang magkumpare nang interbyuhin ni Ogie si Kris.

This was shortly after Kris’ son Bimby’s 18th birthday.

Asked kung bakit napapanatili ni Kris na flawless ang kanyang balat sa kabila ng kanyang health condition, inamin ni Kris na malaki ang nagagawa ng kanyang mga iniinom na gamot.

Aabot sa bilang na 32 daily, kabilang dito’y mga vitamins, supplements at maintenance madicines.

May hindi lang magandang epekto ang isang iniinom niyang gamot.

May tendency kasi siyang mag-tilt sa paglalakad.

Ito ang dahilan kung bakit nakatingkayad si Kris kung maglakad habang todo alalay naman si Bimby.

“Di ba, ideally it’s the mom who takes care of her child…ni-reverse ko ‘yon. Si Bimby na ang nag-aalaga sa akin!” sey ni Kris.

Having lived until Bimby turned 18 ay wish granted daw para kay Kris.

Kaya ang next wish niya’y maabutan niyang maluklok bilang mayor ang anak pag tumakbo ito.

Hindi nga lang tiniyak ni Kris kung sa 2028 elections ‘yon. Ronnie Carrasco III