Home NATIONWIDE 34 CICL, nagtapos ng elem, senior high

34 CICL, nagtapos ng elem, senior high

MANILA, Philippines- Pinuri ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 34 Children in Conflict with the Law (CICL) na nakatira sa National Training School for Boys (NTSB) na nagtapos sa kanilang elementary at senior high school education sa ilalim ng Jose Fabella Memorial School – Tanay Unit.

“Congratulations to the 27 senior high school graduates and seven elementary school graduates from the NTSB. You serve as a testament to the miracles created by second chances. Despite the circumstances that you are in, you allowed yourselves to make right choices that will shape a future that you are proud of,” ayon kay Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao.

“The achievements that you received will also serve as an inspiration for us in the Department to continue to advocate for the stronger implementation of restorative justice in the Philippines,” ayon pa rin kay Dumlao.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA), nakasaad dito na “restorative justice involves the comprehensive management of CICL from prevention, to rehabilitation and reintegration through the development of a Comprehensive Juvenile Intervention Program at the national and local levels.”

Sa ulat, sa graduation ceremony, idinaos araw ng Huwebes sa NTSB grounds, si Tony (hindi tunay na pangalan) isang CICL senior high school graduate, naghayag ng kanyang commencement speech para pasalamatan ang lahat ng mga tao na tumulong sa kanya sa kanyang journey habang nasa pasilidad.

“Kailan man ay hindi ako nagkaroon ng negatibong pagtingin sa NTSB; bagkus tiningnan ko po ito bilang isang pagsubok o challenge na alam ko pong makakatulong sa akin sa paghahanap sa aking sarili, sa pagtuklas at paghubog pa ng aking mga talento at kakayahan. Kabalikat po nito ang pagpapatatag sa aking sarili sa lahat ng hamon sa buhay na paparating at magkaroon ng maraming kaalaman patungkol sa pagpapaayos ng aking sarili at buhay,” ayon kay Tony.

Maliban sa graduation rites, may 15 Grade 10 student-residents ang nakatanggap din ng pagkilala sa isinagawang moving-up ceremony sa kahalintulad na araw.

Dumalo naman para ipagkaloob ang mga diploma at award sa CICL students sina DSWD Field Office IV-A (CALABARZON) Assistant Regional Director Alkent Bacolod, NTSB Center Head Joanna Hizon, Mandaluyong City Schools Division Superintendent Dr. Romela Cruz, Public School District Supervisor Dr. Darwin Bonifacio, at ilang court judges na humahawak ng CICL cases.

Ang NTSB ay isang residential care facility na pinangangasiwaan ng DSWD CALABARZON. Nagbibigay ito ng proteksyon at parental care sa CICLs para tulungan ang mga ito sa pamamagitan ng rehabilitasyon sa isang residential setting at handa ang mga ito para sa matagumpay na adjustment kasama ang kanilang pamilya at komunidad matapos na palayain. Kris Jose