Home NATIONWIDE Panukalang $500M annual US military aid para sa Pinas, naghihintay ng DOD...

Panukalang $500M annual US military aid para sa Pinas, naghihintay ng DOD analysis – US sen

MANILA, Philippines- Naghihintay ang Senado ng Estados Unidos ng detalyadong pagsusuri mula sa US Department of Defense (DOD) sa panukalang itaas ang taunang USD40 million US military aid o Foreign Military Financing (FMF) sa Pilipinas sa USD500 million.

Kapwa ipinanukala nina Republican Senator William Francis Hagerty ng Tennessee at Democrat Senator Tim Caine ng Virginia ang Philippines Enhanced Resilience Act of 2024 (PERA) noong nakaraang Abril 10, na naghahangad na pahintulutan ang USD2.5 billion na FMF grant assistance para sa Pilipinas para sa limang taon, mula 2025 hanggang 2029.

Sa isang panayam, sinabi ni US Senator Christopher Coons na hindi niya nilagdaan ang batas bilang isang co-sponsor dahil sa “some debate about the absorption capacity of the Philippine military” para mag-deploy o magpadala ang mga ito ng USD2.5 billion sa defense financing.

Si Coons ay miyembro ng US Senate Foreign Relations and Appropriations Committees.

“I’m waiting to get the analysis of the US Department of Defense on whether we can allocate USD500 million a year. This would lock us into doing that for five years, I’d like to see us do it once and have it be successful,” ang sinabi ni Coons.

“To go from USD40 million to USD500 million in one year would be a significant move. My argument would be, let’s show that we can do that first,” dagdag niya.

Para kay Coons, nakikita niya ang batas bilang isang mahalagang bipartisan indicator kung saan mayroong suporta para sa “deepening and strengthening” ng US-Philippines military partnership.

“I take it as a good sign, but I’d like to see us prove that we can actually do it. I am waiting to hear the analysis from the US Department of Defense about what the systems are, what’s needed, on what timeline, and what can actually be absorbed,” pahayag niya.

Sa pamamagitan ng FMF, layon ng batas na suportahan ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at payagan ang Pilipinas na banta yan ang territorial sovereignty nito; paghusayin ang maritime domain awareness; labanan ang coercive military activities; at palakasin ang pagtutulungan sa counterterrorism, bukod sa iba pa.

Hanggang noong Enero 2024, ang Pilipinas ang itinuturing na ‘largest recipient’ ng US grant assistance para sa defense capabilities sa Pacific region, ayon sa US Department of Commerce-International Trade Administration. Kris Jose