Home NATIONWIDE 34 patay, 16 nawawala sa Indonesia floods

34 patay, 16 nawawala sa Indonesia floods

149
0

TANAH DATAR, Indonesia- Nasa 34 indibidwal ang nasawi habang 16 ang nawawala sa western Indonesia kasunod ng pagbaha at pagdaloy ng lahar mula sa isa sa pinakaaktibong bulkan sa archipelago na nagdulot ng pinsala sa mga tahanan, kalsada at mga mosque, base sa local officials nitong Linggo.

Nagdulot ng baha ang ilang oras ng malakas na ulan sa dalawang distrito– Agam at Tanah Datar—sa West Sumatra province nitong Sabado ng gabi kung saan inanod ang abo at malalaking bato pababa ng Mount Marapi.

“Until now our data shows that 34 people died: 16 in Agam and 18 in Tanah Datar. At least 18 others are injured. We are also still searching for 16 other people,” pahayag ni West Sumatra disaster agency spokesman Ilham Wahab.

Inihayag naman ni Abdul Malik, pinuno ng Padang Search and Rescue Agency, tatlong indibidwal pa ang nasawi subalit hindi pa ito nakukumpirma ng mga awtoridad.

Nagtatag ang local government ng evacuation centers at emergency posts sa lang lugar sa Agam at Tanah Datar.

Madalas magdulot ng baha at pagguho ng lupa ang tag-ulan sa Indonesia. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here