VIETNAM – Lumubog ang isang tourist boat kasabay ng isang severe storm sa Ha Long Bay, Vietnam nitong Sabado, Hulyo 19.
Nagresulta ito sa pagkasawi ng 34 katao, ayon pa sa state media.
Ang bangka ay may sakay na 53 katao na pinataob at pinalubog ng severe storm dala ng Bagyong Wipha na papalapit sa Vietnam at kasalukuyang binabagtas ang South China Sea.
Iniulat ang malalakas na kidlat, ulan at hangin sa lugar.
Nawala ang GPS signal ng naturang tourist boat bandang 2:05 ng hapon, ayon sa Quang Ninh Provincial People’s Committee.
Karamihan sa mga turista na sakay ng bangka ay mula sa Hanoi.
Sa paunang ulat, mayroong 11 survivor ang nasagip ng mga rescuer habang 34 bangkay naman ang narekober kabilang ang walong bata.
Mayroon namang walong indibidwal ang patuloy pa ring pinaghahanap. RNT/JGC