Home NATIONWIDE 343 OFWs mula MidEast, makakauwi sa PH ngayong Marso 23

343 OFWs mula MidEast, makakauwi sa PH ngayong Marso 23

112
0

MANILA, Philippines – Inaasahang darating sa bansa ang mahigit 300 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Gitnang Silangan ngayong Lunes, Marso 23, ayon sa Department of Migrant Workers.

Aabot sa 343 repatriates mula sa Saudi Arabia, Bahrain, at Qatar ang sakay ng ikaapat na chartered flight ng gobyerno papuntang Maynila. Sasamahan sila ni Patricia Yvonne Caunan ng Overseas Workers Welfare Administration.

Sa kabuuan, nasa 1,420 OFWs at kanilang mga pamilya na ang napauwi ng pamahalaan dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan, sa pamamagitan ng commercial at chartered flights.

Dagdag ng DMW, ligtas na nakarating sa Riyadh ang mga OFW bago sila isinakay pauwi, sa tulong ng DMW, OWWA, at Department of Foreign Affairs. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here