MANILA, Philippines- Na-neutralize ng pamahalaan ang kabuuang 348 New People’s Army (NPA) members at kanilang mga taga-suporta sa mga operasyon mula Jan. 1 hanggang March 7, ayon sa militar nitong Martes.
Sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na kabilang dito ang 301 na sumuko, 14 na naaresto at 33 nasawi.
Aniya, may kabuuang 41 kampo, 175 armas at 44 anti-personnel mines (APMs) amg nasamsam mula sa communist rebels sa nasabing panahon.
“In the same period, a total of 44 local terrorist group members were neutralized,” wika ni Padilla.
Kabilang dito ang 27 sumuko, isang nadakip at 16 namatay, dagdag ng opisyal.
Nasabat din ng militar ang kabuuang 44 armas, apat na APMs at limang encampments ng local terrorist groups, patuloy ni Padilla. RNT/SA