Home NATIONWIDE 350K kilo ng basura nakolekta sa PH coastal cleanup

350K kilo ng basura nakolekta sa PH coastal cleanup

JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Umabot sa 352,479 kilo ng basura ang nakolekta sa iba’t ibang dalampasigan mula sa Ilocos hanggang Socksargen kasabay ng taunang International Coastal Cleanup (ICC).

Ngayong taon ay record-breaking ang mga lumahok sa paglilinis na umabot sa 74,075 volunteers.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang aktibidad nitong Sabado, Setyembre 21 ay bahagi ng adbokasiya na palakasin ang awareness kaugnay sa epekto ng plastic pollution sa marine life at ecosystem.

Ang mga volunteer ay mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, academic institutions, at private sector organizations.

Sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na ang coastal cleanup ngayong taon ay “significant milestone as the Philippines affirms its commitment to coastal cleanliness and environmental conservation.”

“With the ICC 2024 theme, ‘Clean Seas for Blue Economy’, this year’s cleanup not only aimed to address immediate pollution but also sought to inspire long-term behavioral changes among communities, encouraging everyone to reduce waste and participate in ongoing clean-up initiatives,” dagdag pa niya.

Ang ICC na nagsimula mahigit 35 taon na ang nakalilipas, ay nilalahukan ng mahigit 150 bansa.

Nakakolekta na ito ng nasa 18 milyong volunteer at nakakuha ng mahigit 380 milyong pounds ng basura.

Samantala, sinabi ng DENR na ang mga basurang nakolekta sa cleanup ay dinala sa pinakamalapit na Materials Recovery Facility. RNT/JGC