Home METRO Pulisya may persons of interest na sa pagpatay sa konsehal sa Maguindanao

Pulisya may persons of interest na sa pagpatay sa konsehal sa Maguindanao

154
0

MANILA, Philippines – Natukoy na ng pulisya ang ilang persons of interest sa pagpatay sa konsehal ng Buluan, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Buluan police chief Capt. Cemafranco Cemacio, sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay nakitang posibleng pinatay si councilor Mohammad Usman Alamada, 57, dahil sa personal na galit.

Ani Cemacio, nasa loob si Alamada ng kanyang restaurant sa Barangay Población, Buluan nang barilin bandang alas-3 ng hapon noong Setyembre 17.

Dumating ang mga suspek sakay ng itim na Toyota Wigo na walang plaka, saka bumaba ang isang lalaki na may assault rifle at pinaputukan si Alamada na nakaupo malapit sa main entrance.

Agad na tumakas ang mga suspek habang si Alamada ay isinugod sa Buluan District Hospital kung saan idineklarang dead on arrival.

Nakuha sa lugar ang 10 empty shells ng M-16 rifle.

Bago ang pag-atake ay nakakatanggap na umano ng death threat si Alamada mula sa hindi tukoy na mga kalalakihan, bagama’t hindi ito humingi ng tulong sa pulisya.

Bumuo na si Maguindanao del Sur police director Col. Ruel Sermese ng Special Investigation Task Group (SITG-Alamada) para mapabilis ang pagtukoy, pag-aresto at pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

Si Alamada ang deputy municipal executive officer ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), isang political party ng Moro Islamic Liberation Front.

“This despicable act of violence reflects a shocking level of cruelty and a clear violation of the principles we strive to protect in the Bangsamoro,” saad sa pahayag ng UBJP. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here