Home NATIONWIDE Miyembro ng ‘angel of death’ ni Quiboloy hawak ng pulisya

Miyembro ng ‘angel of death’ ni Quiboloy hawak ng pulisya

MANILA, Philippines – Nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang nagpakilalang dating miyembro ng “angels of death” o umano’y private army ni Pastor Apollo Quiboloy.

Nitong Biyernes, Setyembre 20, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na isa sa mga armadong kalalakihan ng self-proclaimed appointed son of God na si Quiboloy ang nasa kustodiya na ng Davao region police.

“We have an individual in custody who is saying he was a former alleged member of the Angels of Death,” ani Fajardo.

“He confirmed that this group was used for the personal interest of Apollo Quiboloy and they were the ones who were being used to scare the victims,” dagdag pa niya.

Ayon kay Fajardo, sinabi ng dating miyembro ng Angels of Death sa pulisya na kilala niya ang pagkakakilanlan ng iba pang indibidwal na bahagi ng private army ni Quiboloy.

Kokontakin ng pulisya ang mga ito.

Matatandaan na isiniwalat ng mga biktima ng sexual abuse ni Quiboloy na pinagbantaan silang susunduin sila ng Angels of Death kung babaliin nila ang code of secrecy sa mga ginagawang kabalbalan ni Quiboloy. RNT/JGC