Home NATIONWIDE 36 OFWs mula Israel nakauwi na ng Pinas

36 OFWs mula Israel nakauwi na ng Pinas

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang ika-sampung batch ng overseas Filipino workers (OFWs) na na-repatriate mula sa kaguluhan sa Israel.

Nasa 36 OFWs na binubuo ng 32 caregivers at 4 hotel staff workers ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang mga OFWs ay bibigyan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng repatriation assistance package na P50,000 bawat isa upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at nakatulong sa kanila na makabalik sa kanilang pamumuhay

Samantala, binabantayan ng gobyerno ng Pilipinas ang kondisyon ng 17 Filipino seafarers na hostage ng Yemeni rebel group Houthi matapos nitong makuha ang cargo ship sa southern Red Sea.

Kinansela ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang paglalakbay sa Dubai, United Arab Emirates, para sa COP28, na itinakda ngayong Disyembre 1, na binanggit ang “important developments” sa insidente ng hostage.

Inatasan ng Pangulo si Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na pamgunahan ang Philippine delegation sa COP28 .

“Today, I will be convening a meeting to facilitate the dispatch of a high-level delegation to Tehran, Iran, with the aim of providing necessary assistance to our seafarers,” sabi ni Marcos. Jocelyn Tabangcura-Domenden