Home NATIONWIDE P28.6-M lotto jackpot nasolo!

P28.6-M lotto jackpot nasolo!

MANILA, Philippines – Nasolo ng isang mananaya ang P28.6 million Lotto 6/42 jackpot sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lotto draw nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 30.

Inanunsyo ng PCSO na natumbok ng mananaya angĀ  winning digit combination ng Lotto 6/42 na 36-38-29-37-41-30, kung saan napanalunan ang P28,612,882.60.

Bukod sa mananalo ng jackpot, 22 manlalaro ang mag-uuwi ng tig-P24,000 para sa ikalawang premyo, at 714 na taya ang mananalo ng tig-P800 para sa ikatlong premyo.

Ang Lotto 6/42 draw ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Samantala, hindi naman napanalunan ang P202 milyong jackpot ng Super Lotto 6/49 draw dahil hindi natumbok ang 26-22-34-44-03-29 na winning digit combination na may eksaktong jackpot figure na P202,945,255.40

Gayunpaman, 27 manlalaro ang nanalo ng tig-P50,000 para sa ikalawang premyo at 1,978 bettors ang nanalo ng tig-P1,200 para sa ikatlong premyo.

Ang susunod na Super Lotto draw ay sa Disyembre 2. RNT

Previous article28,136 alok sa DOLE job fair ngayong Dis. 1
Next article36 OFWs mula Israel nakauwi na ng Pinas