Home NATIONWIDE 361 pasahero ng PAL flight papuntang LA ligtas sa technical issue ng...

361 pasahero ng PAL flight papuntang LA ligtas sa technical issue ng eroplano

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Philippine Airlines nitong Sabado na hindi nakalipad ang Flight PR102 nito mula Manila patungong Los Angeles noong Biyernes ng gabi dahil sa technical issue.

Nagkaroon ng “tire deflation”, ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna.

“All 361 passengers were safely deplaned and provided hotel accommodations,” aniya.

Inayos na ng PAL ang kapalit na flight papuntang Los Angeles para sa mga pasahero ng apektadong flight.

“The new flight is scheduled to depart at 2:00PM today (06 July),” ani Villaluna.

Humingi ng paumanhin ang kompanya sa abalang dulot ng insidente. RNT/SA