MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 36,000 overseas Filipino voters ang nakapag-enroll na para sa pre-voting enrollment system para sa Eleksyon 2025, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ginawa ni Garcia ang pahayag dalawang araw bago magsimula ang overseas voting sa Abril 13, 2025.
Binuksan ng komisyon ang pre-voting enrollment system para sa online voting and counting system (OVCS) noong Marso 20.
Sinabi rin ni Garcia na handa sila sa pagbuhos ng mga Filipinong botante abroad na mas gustong bumoto sa kiosks.
Sa 90 Philippine diplomatic posts, 77 ang lumahok sa kauna-unahang online voting and counting system (OVCS) at 16 ang gagamitin sa automated counting machines (ACMs).
Maaaring gawin ng mga botante ang pagpapatala bago ang pagboto sa pamamagitan ng kanilang sariling device na may internet, mga voting kiosk sa Philippine Posts, o ang field/mobile pre-voting enrollment na itinakda ng Philippine Post.
Maaaring bumoto online ang mga overseas voters hanggang May 12, o sa araw ng halalan sa Pilipinas.
Samantala, ang mga botante sa ibang bansa na nahihirapang mag-enroll sa pre-voting system ay maaaring direktang makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga embahada para sa manual registration. Jocelyn Tabangcura-Domenden