Home HOME BANNER STORY 37 tigok kina Crising, Dante, Emong

37 tigok kina Crising, Dante, Emong

234
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 37 ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Bagyong Crising, Dante, Emong, at Habagat, ayon sa ulat ng NDRRMC nitong Huwebes.

Dalawa pa lamang sa mga ito ang kumpirmado.

Pinakamaraming nasawi ay sa Metro Manila (9), sinundan ng Calabarzon (8), at iba pa sa Western Visayas, CAR, Negros Island, at Mindanao. May 22 nasugatan at 8 nawawala.

Aabot sa 7.6 milyon katao mula sa halos lahat ng rehiyon maliban sa Eastern Visayas ang naapektuhan, pinakamarami sa Central Luzon. Mahigit 105,000 katao ang nasa evacuation centers, at halos 47,000 bahay ang nasira.

Tinatayang ₱10 bilyon ang pinsala sa imprastruktura at ₱1.9 bilyon naman sa agrikultura. Naitala rin ang pagkawala ng kuryente, tubig, at komunikasyon, pati na ang pagkaantala sa biyahe sa mga paliparan at pantalan. Sinuspinde rin ang klase sa 1,046 lugar at trabaho sa 911 lugar.

Nagdeklara ng state of calamity sa 241 lungsod at bayan, kabilang ang buong lalawigan ng La Union, Bataan, Pampanga, Cavite, Rizal, Laguna, at Negros Occidental. Umabot na sa ₱763.7 milyon ang naipamahaging tulong sa mga biktima. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here