MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Migrant Workers at ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa 38 overseas Filipino workers (OFWs).
Sinabi ni Migrant secretary Leo hans Cacdac sa Kapihan sa Manila Hotel na sinisiguro ng kanilang legal team ang buong representasyon ng OFWs.
Ayon sa kalihim, ang makabuluhang pagbaba ng bilang ng mga OFWs na nasa death row mula 72 sa 38 ay dahil sa Malaysia decree na binabawasan ang mga sentensiya ng kamatayan sa habambuhay na pagkakaulong.
Karamihan sa mga kaso ay nagsasangkot ng mga seryosong krimen, tulad ng pagpatay at mga paglabag na may kaugnayan sa droga, na ang mga insidente ay pangunahing nangyayari sa Saudi Arabia at iba pang mga bansa sa Middle Eastern.
Sa pamamagitan ng diplomatic efforts, maraming OFWs ang binigyan ng pardon o na-reptariate.
Sa kabila nito, ang DMW ay nagbibigay ng tulong pinansyal, scholarships at livelihood programs para suportahan ang pamilya ng mga nahatulang mga OFWs.
Bilang karagdagan sa legal assistance, pinalakas ng DMW ang mga pre-deployment safeguard para sa mga OFW, kabilang ang mandatoryong pre-departure orientation, pinahusay na recruitment agency screenings, at pinahusay na monitoring system upang maiwasan ang mga katulad na insidente sa hinaharap.
Hinikayat din ang mga OFWs at kanilang pamilya na humingi ng tulong para sa legal o employment-related issues, kasabay ng pagtitiyak ng buong suporta sa pagbibigay ng hustisya at pagprotekta sa kanilang dignidad. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)