MANILA – Dumalo sina Vic Sotto at Darryl Yap sa pagdinig ng Muntinlupa Regional Trial Court noong Enero 17 kaugnay ng petisyon ni Sotto na alisin ang mga promotional materials ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
Ayon kay Sotto, mali ang pag-uugnay sa kanya ng teaser sa na-dismiss na kaso ni Pepsi Paloma.
Nauna nang tinanggihan ng korte ang kahilingan ni Yap na pagsamahin ang petisyon sa cyber libel complaint na isinampa ni Sotto.
Inakusahan ni Sotto si Yap ng paninirang-puri at humihingi ng ₱35 milyon bilang danyos, dahil sa umano’y maling paglalarawan sa teaser na siya ang rapist ni Paloma.
Ayon sa panuntunan ng korte, kailangang maglabas ng desisyon sa loob ng 10 araw.
Sumunod ang magkabilang panig sa utos na huwag magbigay ng malawakang pahayag sa media.
Kinumpirma ni Yap na patuloy ang paggawa ng pelikula, habang tumanggi naman si Sotto na magbigay ng karagdagang komento. RNT