Home NATIONWIDE 38 Pinoy seaman sa barkong may hantavirus outbreak, aayudahan ng DOH, DMW

38 Pinoy seaman sa barkong may hantavirus outbreak, aayudahan ng DOH, DMW

66
0

MANILA, Philippines – Nag-alok ng tulong ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Health (DOH) para sa 38 Pilipinong crew ng Atlantic cruise ship kung saan nadiskubre ang hantavirus, ayon sa mga opisyal.

Ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo sa panayam sa radyo na sinabi ng shipping company sa DMW na tuloy-tuloy ang kanilang komunikasyon sa mga Pilipinong tripulante.

“In high spirits pa nga daw. Alam mo naman tayong Pinoy, parang okay lang ‘yan, pero sabi namin, we are still on the lookout. Bagamat na malakas ating kalooban, kelangan din natin ng tulong, and that is continually being offered by the DMW and DOH,” ani Domingo.

Dagdag niya, ligtas at nasa maayos na kalagayan ang 38 Filipino crew at wala sa kanila ang nagpositibo sa virus.

“Huwag tayong kakabahan. ‘Yung buong mundo ay nagkakaroon ng isang kaganapan, pero natutugunan siya ng doktor. Wag tayong kakabahan, alam natin ang impormasyon,” sabi niya.

Binigyang-diin din ni Domingo na walang dapat ikabahala ang publiko dahil aktibong inaasikaso ng mga awtoridad ang sitwasyon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), posibleng nahawa ang unang kaso ng hantavirus sa MV Hondius bago pa man sumakay sa barko na umalis sa Ushuaia, Argentina noong Abril 1.

Sa hiwalay na paliwanag, sinabi ni Domingo na mas kilala na ang hantavirus kumpara sa COVID-19 noong bago pa ito lumaganap.

“Iba yung feeling namin ngayon kasi it’s a familiar virus. Alam namin kung ano siya at siguradong alam natin yung mode of transmission niya,” aniya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here