MANILA, Philippines- Sa gitna ng nalalapit na October 30 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), sinabi ng Philippine National Police said Sunday na mino-monitor nito ang 38 potensyal na private armed groups (PAG) at isang aktibong PAG.
Sa isang panayam, inihayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nabawasan ang bilang ng mga binabantayang potensyal na PAGs hanggang nitong September 29 mula 40 sa 38.
“Based sa assessment ng ating security forces, ay nag-dormant na po. Ang iba dito, ay mga hindi na namo-monitor na gumagalaw dahil karamihan sa kanilang mga leader at miyembro ay nahuli natin,” aniya.
Inilahad din ni Fajardo na inisyal na na-monitor ng PNP ang tatlong aktibong PAGs sa Central Luzon, subalit sumuko na ang dalawang grupo sa mga awtoridad.
“Isa na lang po ‘yung mino-monitor natin diyan at kagaya ng inireport ng regional director ng Region 3 ay daily ang ginagawa nilang monitoring dito to make sure na hindi ito makakagalaw,” dagdag niya.
Nauna nang inanunsyo ng PNP na kinokonsidera nitong tukuyin ang 246 barangay bilang election areas of concern sa ilalim ng red category, na isasailalim sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec).
Karamihan sa mga barangay na ito ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Eastern Visayas, at Bicol Region.
May kabuuang 1,248 barangay naman ang nasa orange category, habang 1,100 ang nasa yellow category. RNT/SA