Home NATIONWIDE Bato: Pagbabalik ni Digong sa politika ‘di napag-uusapan

Bato: Pagbabalik ni Digong sa politika ‘di napag-uusapan

312
0

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi natatalakay ang posibleng pagbabalik ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa politika.

Ito ang naging tugon ng senador sa walang tigil na mga haka-haka ukol sa political comeback ni Duterte sa pamamagitan ng Senate candidacy sa 2025.

“Kung gusto niya, (Duterte) fight. Gamit na gamit pa yung pagiging Digong Duterte sa taumbayan. Magamit pa rin yung kanyang kaalaman at eksperyensya,” ani Dela Rosa nitong Linggo.

“Pero on the other hand, maganda rin yung magpahinga siya, because he has spent too much time of his lifetime in government service. It’s about time siguro na magpahinga siya, at sarili lang nya ang atupagin niya at mag-enjoy na lang sya sa nalalabing panahon niya dito sa mundo,” dagdag niya.

“Both ways ako ha? Hindi ko siya pinapangunahan, either way ako,” paglilinaw pa ng mambabatas.

Ibinahagi ni Dela Rosa na mahigit isang taon matapos ang kanyang termino bilang presidente,  nakabalik na si Duterte sa kanyang pagiging “alkalde.”

“Kung yung basehan yung utak nya (Duterte), kung gaano kakulit yung tao, kung gaano ka-komedyante, ay bumalik na. Parang mayor na rin sya dati. Yung kanyang mga kalokohan kung magsasalita, eh bumabalik sa dati,” ani dela Rosa.

Aniya, hindi niya madalas makausap si Duterte dahil hindi umano ito mahilig gumamit ng mobile phone.

Kilala si Dela Rosa na tapat kay Duterte, na nagsilbi sa kanyang administrasyon bilang hepe ng Philippine National Police, at kalaunan ay bilang Director General ng Bureau of Corrections, bago siya manalo sa Senado.

Si Dela Rosa rin ang co-accused ng dating Pangulo sa drug war case na inihain sa International Criminal Court, na makailang ulit niyang sinabi na balewala lamang umano sa dating Commander-in-Chief. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here