Home NATIONWIDE 382 indibidwal inasistihan ng PH Red Cross sa Traslacion 2024

382 indibidwal inasistihan ng PH Red Cross sa Traslacion 2024

MANILA, Philippines- Umabot na sa 380 indibidwal ang narespondehan at natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagbabalik ng Traslacion ngayong Enero 2024.

Sa summary of assistance updates ng Red Cross bandang alas-11 ng umaga, kabuuang 382 na ang mga pasyenteng natulungan sa panahon ng prusisyon.

Sa bilang na ito, sinuri ng PRC ang vital signs ng 155 indibidwal. Nakapagtala rin ng 135 minor cases at limang major cases.

Sa mga inilipat sa PRC Emergency Field Hospital, ilan sa mga iniinda ng mga deboto ay ang lagnat, ubo, pagkahilo, panghihina, pagsusuka, ankle sprain, chest pain at pamamanhid.

Pananakit ng tiyan naman ang ininda ng isang buntis na agad dinala sa isang medical facility.

Ayon sa PRC, nasa 10 First Aid Stations; 8 welfare desks at isang Emergency Field Hospital ang kanilang itinalaga para sa Traslacion.

Nagpakilos rin ito ng 319 indibidwal at 13 ambulasya, fire truck at rescue boat na naka-standby.

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng injuries at mangangailangan ng atensyong medikal habang hindi pa natatapos ang prusisyon na inaasahang lalahukan ng milyong deboto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRichard at Barbie, spotted, may something?
Next articleManila PIO personnel nadukutan sa kasagsagan ng Traslacion