MANILA, Philippine- Nag-abiso ang isang kawani ng Manila City Hall sa mga deboto na lumahok at nais pang makibahagi sa prusisyon ng Black Nazarene na mag-ingat sa mga magnanakaw o mandurukot.
Ito ay matapos siyang madukutan kung saan nawala ang kanyang Samsung S23 Ultra na nagkakahalaga ng P90,000.
Ayon sa biktima na si K R De Asis, isa sa official photographer ng Manila PIO ng Manila City Hall, abala siya sa pagkuha ng larawan malapit sa Andas ng Itim na Nazareno nang mapansin niyang nakabukas na ang zipper ng kanyang belt bag na nakasabit sa kanyang dibdib.
“Ingat po tayo sa mga gamit natin ang dami pong nagkalat na magnanakaw,” babala pa ni De Asis sa media viber message.
Sa kabila ng mahigpit na seguridad sa paligid ng Quiapo, hindi pa rin natitinag ang mga mapagsamantalang kawatan na nagpapanggap na mga deboto upang makapambiktima ng mga sumasama sa Traslacion. Jocelyn Tabangcura-Domenden