Home ENTERTAINMENT Richard at Barbie, spotted, may something?

Richard at Barbie, spotted, may something?

Manila, Philippines – Hindi nakaligtas sa mga eagle-eyed netizens ang sighting kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa isang bar.

Seen at a gastropub at Westgate, Alabang in Muntinlupa were Richard and Barbie in the company of friends.

Nakatawag ang tagpong ‘yon ng atensyon mula sa mga tao roon who instantly took pictures of them.

Bagama’t hindi malinaw ang mga litrato’y obyus ang identities nina Richard at Barbie.

Ito ang unang beses that Richard was seen in public matapos pumutok ang balitang hiwalay na sila ng asawang si Sarah Lahbati.

Mismong ang ina ni Sarah na si Esther ang nagkumpirmang co-parenting ang setup ng estranged couple.

Back to the gastropub, obserbasyon ng mga nakasaksi ay napaka-gentlemanly raw ni Richard sa mga kilos nito.

To borrow their exact words, “bantay sarado” raw si Barbie.

Sinamahan pa raw ng aktor si Barbie nang magpunta sa restroom.

Kaya ang tanong ng mga naroon gabi ng January 6: may something bang namamagitan kina Richard at Barbie?

Matatandaang ang huling napabalitang nobyo ni Barbie ay si Diego Loyzaga.

Ano kaya ang masasabi ni Sarah sa sighting na ‘yon ni Richard with Barbie?

Almahan kaya niya o dedma lang as in she doesn’t give a hoot? Ronnie Carrasco III

Previous articleCardinal Advincula sa mga mananampalataya: Buhay ni Hesus tularan
Next article382 indibidwal inasistihan ng PH Red Cross sa Traslacion 2024