MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakataas sa ‘blue alert status’ ang Disaster Response Command Center (DRCC).
Ayon sa DSWD, naka-monitor ito sa development ng low pressure area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Visayas.
Alinsunod nito, sinabi ng DSWD na naka-preposition na ang tatlong milyong kahon ng family food packs (FFPs), na may mahigit na 360,000 non-food items, sa iba’t ibang hubs, spokes, at ang huling milya sa iba’t ibang panig ng bansa, alinsunod sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian.
“Following the order from the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), DSWD’s DRCC is now fully activated to monitor and prepare for any possible effects of the weather disturbance,” ayon kay Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG) ng DSWD.
Maliban sa nakahandang relief items, ang response teams sa iba’t ibang DSWD Field Offices ay naka-standby at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), NDRRMC, at local government units (LGUs), ayon sa departamento.
Kahit pa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, sinabi ng DSWD na ang Quick Response Team (QRT) ay nagsagawa ng duty briefing at ipinagpapatuloy naman ng agency personnel ang kanilang trabaho upang matiyak ang napapanahong tulong na makaabot sa komunidad kung kinakailangan.
“Our duty to serve does not pause for holidays. Gaya nga ng laging sinasabi ni Secretary Gatchalian, 365 days, hindi tumitigil ang disaster preparation ng DSWD. We remain on alert to make sure that our fellow Filipinos, especially the vulnerable, are safe and supported during times of uncertainty,” ang sinabi ni DSWD spokesperson Dumlao.
Samantala, pinaalalahanan naman ng DSWD ang publiko na manatiling alerto at i-monitor ang periodic announcements mula sa lokal na awtoridad. Kris Jose