Home METRO 3rd Gapan Grand Marian Processions, dinagsa ng deboto

3rd Gapan Grand Marian Processions, dinagsa ng deboto

265
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Dinagsa ng mga deboto ang Minor Basilica ng La Virgen Divina Pastora Shrine sa Gapan City, Nueva Ecija noong Linggo para dumalo sa misa at saksihan ang 3rd Gapan Grand Marian Processions.

Nagdulot ng mabagal na pag-usad ng daloy ng trapiko ang lugar dahil sa dami ng mga dumagsang deboto.

Ayon kay PLtCol. Joel dela Cruz, hepe ng Gapan City Police Station, mahigit isandaang pulis ang ikinalat sa mga kalsada na dinaanan ng prusisyon, simbahan at sa matataong lugar para mapanatili ang katamikan hanggang sa matapos ang aktibidad.

Ang prusisyon ng mga imahe ng Mahal na Birheng Maria at iba pang imahe ay dumaan sa mga ipinagmamalaking lugar ng Gapan City, tulad ng Three Kings Parish Church at lumang Gapan kung saan nag-abang ang libu-libong deboto.

Maging ang pamilya nina Nueva Ecija 4th District Representative Emerson “Emeng” Pascual, Gapan Mayor Emary “Joy” Pascual, Kap Boy Pascual, ng Barangay Pambuan at iba pang halal na opisyal ng distrito ay matiyagang nag-abang sa prusisyon para sa basbas.

Sa kabila ng biglaang pag-ulan ay hindi nagpatinag ang mga deboto para tapusin ang programa.

Sa kabuuan ay naging payapa at matagumpay ang aktibidad at inaasahang dadaagsain pa ng mga deboto ang mga gaganaping Gapan Grand Marian procession sa mga susunod na taon.- (MARINA BERNARDINO-SY)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here