Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa kada litro ng gasolina, ipatutupad

Sirit-presyo sa kada litro ng gasolina, ipatutupad

324
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng dagdag presyo sa kada litro ng gasolina ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo na inilabas ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng malakihang dagdag presyo na P1.20 sa kada litro ng gasolina habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

Samantala, kahalintulad din ng mga nabanggit na presyo ang ipatutupad na pagtataas ng halaga ng produktong gasolina ng mga kompanyang PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, at Petro Gazz simula alas-6:01 din ng Martes ng umaga habang alas-8:01 naman ng umaga ang Clean Fuel.

Ayon kay PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian, ang panibagong oil price hike na ipatutupad ng mga lokal na kompanya ay batay sa dikta ng pandaigdigang merkado ng presyo ng langis na dulot na rin ng mataas na pangangailangan sa langis ng maraming bansa.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng bawas presyo na P2.90 sa kada litro ng diesel at P3.20 naman sa kada litro ng kerosene habang may bahagyang pagtaas sa kada litro ng gasolina na nasa P0.20. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here