Home NATIONWIDE 4 aktibong private armed groups namonitor sa BSKE 2023

4 aktibong private armed groups namonitor sa BSKE 2023

MANILA, Philippines – Apat na aktibong private armed groups (PAGs) ang namonitor sa papalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Oktubre 2.

“We have monitored yung PAGs. There are four active, 38 potential PAGs as of September 29,” pahayag ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isang press conference.

Matatandaang tinukoy ng PNP noong Mayo ang pitong rehiyon kung saan may namonitor silang aktibo at potential PAGs, kabilang ang Ilocos, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Caraga, Cordillera, at Bangsamoro.

Inatasan na ni Acorda ang concerned regional directors upang paigtingin ang hakbang laban sa mga PAGs at masiguro na hindi ito magagamit sa mga illegal na aktibidad na may kaugnayan sa paparating na halalan.

Sinabi pa ng PNP na nakatanggap ito ng report na ilang elected government officials at potential candidates ang nahaharap sa mga banta sa paparating na eleksyon.

Samantala, iniulat ng PNP nitong Linggo, na may kabuuang 1,063 katao silang inaresto at 650 armas ang nasamsam dahil sa paglabag sa election gunban hanggang nitong Setyembre 28.

Sa mga naaresto, 1,017 ang sibilyan at ang iba ay mga miyembro ng law enforcement, security guards at elected government officials. RNT/JGC

Previous articleOFW patay sa Saudi! – DMW
Next article“Ma’am Reyes” inalala ni PBBM