Home HOME BANNER STORY OFW patay sa Saudi! – DMW

OFW patay sa Saudi! – DMW

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkamatay ng isnag overseas Filipino workers sa Saudi Arabia.

Ayon sa DMW, nakikipagtulungan na ito sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang Philippine Embassy, at local authorities sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Marjorette Garcia.

Dagdag pa ng DMW na nakikipagtulungan na rin ito sa OWWA para sa repatriation ng labi ni Garcia.

Si Garcia ay naipadala sa Saudi Arabia noong 2021 para magtrabaho bilang domestic worker.

Ayon sa ulat, siya ay natagpuang patay na may mga tama ng saksak sa katawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden