Home HOME BANNER STORY Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara, bumaba!

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara, bumaba!

MANILA, Philippines – BUMABA ang trust at approval ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte sa third quarter ng 2023,  batay sa ipinalabas na survey ng Pulse Asia.

Sa  inilabas na resulta ng Pulse Asia survey nitong Lunes, Oktubre 2,  tinatayang sumipa sa 65%  ang approval rating ng Pangulo noong Setyembre kumpara sa  80%  noong buwan ng Hunyo. Kitang-kita na bumaba ito ng 15%.

Habang 11 puntos naman ang ibinaba ng approval rating ni VP Sara dahil 73% ito nito lamang buwan ng Setyembre mula sa 84% noong buwan ng  Hunyo.

Sa kabila nito, sina Pangulong Marcos at VP Sara ang may pinakamataas na approval rating kumpara kina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sa kabilang dako, pagdating naman sa trust rating ay sinasabing mula 85% noong Hunyo ay naging 71% ang trust rating ni Pangulong Marcos nitong buwan ng Setyembre habang  Si VP Sara naman ay 75% nitong buwan ng Setyembre kumpara sa 87% noong Hunyo.

Sa kabuuan, sina Pangulong Marcos at VP Sara ang may mataas pa rin na trust rating kumpara sa ibang opisyal.

Isinagawa umano ang nasabing Pulse Asia survey mula Setyembre 10 hanggang 14, 2023 sa 1,200 respondents at habang o bago dinidinig ang panukalang budget sa 2024.

“Around the time that the Sept. 10 to 14 survey was conducted, Congress was deliberating on the 2024 national budget that included P4.8 billion in proposed confidential funds and intelligence funds for some government agencies, including Marcos and Duterte’s offices,” ayon sa Pulse Asia. Kris Jose