Home METRO 4-anyos iniligtas sa pang-aabuso ng stepfather sa Zambo

4-anyos iniligtas sa pang-aabuso ng stepfather sa Zambo

138
0

ZAMBOANGA, Philippines – Isang 4-anyos na batang lalaki sa Zamboanga City ang nasagip ng mga awtoridad matapos umanong bugbugin ng kanyang stepfather.

Ayon sa ulat, natagpuan ng pulisya ang bata na mahina at may mga pasa sa kanilang bahay sa Barangay Mampang noong Biyernes, Abril 3.

Tumugon ang mga awtoridad matapos magsumbong ang ina ng bata tungkol sa pang-aabuso na umano’y ginagawa ng kanyang partner mula Abril 2.

“The mother managed to escape from the house while our suspect was in the restroom. She reported it to the police immediately. When the police responded, they found the child and the mother there. The child was covered in bruises,” ayon kay Police Captain Adzmar Anjawang, hepe ng Police Station 12 ng Zamboanga City Police Office.

Ayon sa pulisya, gumamit umano ang suspek ng kawayan para saktan ang bata.

“But the suspect was not around when the police arrived. The mother also said that the suspect also hurt her,” dagdag ni Anjawang.

Dinala sa intensive care unit (ICU) ang bata dahil sa mga sugat sa mukha, pasa sa katawan, at bali sa ilong. Kalaunan, sinabi ng lola ng bata na wala na ito sa ICU at unti-unti nang nagpapagaling.

Naaresto rin ang suspek at nahaharap sa mga kasong serious physical injuries na may kaugnayan sa child abuse, pati na rin sa pananakit umano sa kanyang partner.

“He said he just felt a physical urge to be violent toward the child,” ayon kay Anjawang. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here